ONE LOVE

Friday, February 22, 2008

mishu!

hayz... natapos na din ang fairyland, dami kong mamimis don, yung mga elem friends koh, xempre yung mga seniors! at xempre ang free snack after practice... hahaha... ang paboritong merienda na espasol at gardenia... hahaha...

xermpre, miss ko din yung jamming namin nila earlo at watot kada matatapos ang show namin...

kakaktawa ng last day, pede kang maligo sa coke! kukuha ka lang sa may booth ng mcdo! wuhoo.. libre...

salamat nga pala sa mga nag sabi na pang best actor daw ang acting, wahahaha,,, pero c God naman talga nagbgay sa akin ng tulong na yun...

wahaha, naalala ko na naman yung bata, kakatapos ko lang kasi mag pa make-up, ayun sabi nya sa akin, mahirap pa lang maging bading! wahahaha..

ou nga, sa lamat sa make-up artist kong c mrs. Quidasol... ang kapal maglagay ng foundation at blush on! wuhooo... pati pala lipstick... awch!

hahaha... c sir jerick, pambihira, pinag dala ako ng walis sa overtune... wahahaha... kabigla eh...

hayz... garbe nung last show, ang init ng ilaw! waH! kasilaw pa... har har...

wahahaha... ang dami kong na hug nung pagkatapos, cla kimbo, watot! :) yung mga director, c kirbs, etc... :) whahaha.. c mama din pala at c ateh...

hayz... diretso kami sa KFC mag anak... kumain kami ng chicken... anu pa bang kakainin dun diba?! hehehe... andun din yung tito ni carlo marfori at c mr. and mrs. viliianueva at sanyatha... si sanatha lang ang kumain... hehehe... kasali din nga pala si sanyatha sa fairylang.. fairy sya dun...

fairylanD?! farewell na talga! mishu...

ISANG SURING BASA (SA MGA KUKO NG LIWANAG)

ISANG SURING BASA

(SA MGA KUKO NG LIWANAG)

KEVIN JOHN S. VENTURA

Ang nobelang Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes ay unang lumabas bilang isang serye sa mga pahina ng Liwayway Magazine. Isinasalaysay nito ang kuwento nina Julio at Ligaya, kapwa galing sa probinsiya. Hindi na binabanggit dito kung aling probinsiya, sapagkat kinakatawan nila ang libong kapuspalad na nakikipagsapalaran sa lungsod, maynila araw-araw.

Si Ligaya ang naunang nagbaka-sakali, kasama ng isang matronang babae, Mrs. Cruz, na nangako sa kanya ng isang simpleng trabaho, na may posibilidad pang makapag-aral at makapagpadala ng kaunting tulong sa iiwanan niyang mga magulang at kapatid. Pagkatapos ng ilang panahon na hindi na nakakapagpadala ng sulat si Ligaya sa kanyang mga magulang at pati na rin kay Julio, na isip ni Julio na sundan ito sa Maynila upang hanapin ito.

Sa paghahanap ni Julio ay naharap siya sa realidad ng buhay sa lungsod. Katulad nga ng ipinahihiwatig ng pamagat ng nobela, maaakit siya ng mga kuko ng liwanag ng mga neon lights ng Kamaynilaan.

Maynilalaman ang pagkakasulat ng Kuko. Ang mga simbolong: Gusali, unti-unting nagagawa mula sa mga sangkap o materyales nito, bakal, graba at semento, na sa bandang huli ay magiging mistulang panginoon pa ng mga kamay at katawang humugis dito. Ang alamat ng esterong walang nagmalasakit na tandaan, na sa kanyang kaitiman ay maaaring nagsisimbolo na rin mismo sa kaibuturan ng lungsod.

Huling-huli ng nobela ang ingay, at kalaswaan ng Maynila. Akmang-akma ang pagsasalarawan nito sa mga lugar, pangyayari, at tauhang mapupuntahan, mararanasan, at makikilala nina Julio at Ligaya. Ibinibigay nito sa mambabasa ang isang napakamakatotohanang buhay sa Lungsod ng mga Pangarap at Kasawian.

Kung babasahin mo ngayon ang nobela, maiisip mong maaari pa ring mangyari ang kuwento ito sa kasalukuyang panahon. Baguhin lang ang mga pangalan ng kalye sa mga kasalukuyang pangalan nito, bigyan mo lang ng cellphone sina Mister Balajadia at Misis Cruz, gawin mo lang mas moderno ang tindahan ni Ah Tek, pasakayin mo lang kahit minsan si Julio sa LRT, atbp. Sa tingin ko pa nga, kung may makakaisip mang gawin muling pelikula ang librong ito, uubra pa rin ito kahit ilagay sa kasalukuyang taon ang pruduksyon nito.

Ngunit lubog man sa man sa dumi at alikabok ang Maynilang isinalalarawan sa nobela, mayroon pa ring liwanag o pag-asang nagpupumilit na umilaw dito. Ang mga nakilala ni Julio ay mabubuting tao, kapos man sila mismo sa materyal na mga bagay at kahit hindi nila halos maitawid ang kanilang mga sarili sa pang-araw-araw nilang pangangailangan ay nagagawa pa rin nilang magbigay ng tulong at kabaitan kay Julio. Sino pa ba naman ang magtutulungan, Ika nga.

Isang mabisa, walang-kupas, at makatotohanang salamin ng lipunan ang nobela. Mabisa, sapagkat hindi nito itinatago ang katotohanan, bagkus ay ipinapakita ito sa mambabasa sa paraang hindi ito maaaring isa-isantabi. Sa makatotohanan nitong pagkakasulat, wala kang magagawa kundi harapin at tanggapin ito.

Malungkot mang isipin, ang kuwento nga ay kuwento ng libo-libong Julio at Ligayang ipinapadpad ng kapalaran mula sa kanilang tahimik ngunit napakahirap na buhay sa probinsiya patungo sa buhay na hindi nila akalain na mas magiging mas mahirap pa.

Makatotohanan ito, sapagkat hindi nito inihihiwalay ang sarili nito sa realidad ng lipunang sinasalamin nito. Tinatalakay dito ang di-makatarungang sitwasyon ng mga manggagawa, ang kaawa-awang kalagayan ng mga maralitang tagalungsod, ang diskriminasyon ng ilang tao, at ang bulok na systema na nag papatakbo dito.

Ngunit higit sa lahat, ipinapakita ang pagkamakatotohanang ito sa katauhan ni Julio at sa kung paano siya kumilos at tumugon sa mga nangyayari sa kanya. Hindi siya walang-kibong biktimang nagpapadala lamang sa kanyang kapalaran. Hindi siya ang taong tama at wasto lamang ang gagawin ano pa man ang mangyari sa kanya. Si Julio ay hindi si Ibarra na iniinda lamang ang mga kasamaang idinudulot sa kanya ng kanyang mga kaaway. Ngunit hindi rin naman siya si Simoun na naniniwalang na kasamaan din ang dapat idulot sa mga kanyang kaaway.

Sa huli, sabi nga ng may-akda, paano mo mamahalin ang isang katulad ni Julio? Ano ang karapat-dapat na redemption niya sa bandang huli? At ano ang kabuluhan at kahulugan ng kanyang kinasapitan?

Maaaring hindi intensyon ng nobela na sagutin ang mga huling tanong na iyan. Maaaring inakala ng may-akda na sapat nang maging salamin ng realidad ang kanyang nobela. Ipinapaubaya niya marahil sa atin ang paghahanap ng mga sagot, ang pagbibigay ng kabuluhan at kahulugan sa nasabing realidad. Hindi man nito tuwirang sinasabi, maaaring inaanyayahan nitong palawakin ng mambabasa ang kanyang kamalayan sa realidad na ito, at, harinawa, kumilos.