ONE LOVE

Friday, February 22, 2008

mishu!

hayz... natapos na din ang fairyland, dami kong mamimis don, yung mga elem friends koh, xempre yung mga seniors! at xempre ang free snack after practice... hahaha... ang paboritong merienda na espasol at gardenia... hahaha...

xermpre, miss ko din yung jamming namin nila earlo at watot kada matatapos ang show namin...

kakaktawa ng last day, pede kang maligo sa coke! kukuha ka lang sa may booth ng mcdo! wuhoo.. libre...

salamat nga pala sa mga nag sabi na pang best actor daw ang acting, wahahaha,,, pero c God naman talga nagbgay sa akin ng tulong na yun...

wahaha, naalala ko na naman yung bata, kakatapos ko lang kasi mag pa make-up, ayun sabi nya sa akin, mahirap pa lang maging bading! wahahaha..

ou nga, sa lamat sa make-up artist kong c mrs. Quidasol... ang kapal maglagay ng foundation at blush on! wuhooo... pati pala lipstick... awch!

hahaha... c sir jerick, pambihira, pinag dala ako ng walis sa overtune... wahahaha... kabigla eh...

hayz... garbe nung last show, ang init ng ilaw! waH! kasilaw pa... har har...

wahahaha... ang dami kong na hug nung pagkatapos, cla kimbo, watot! :) yung mga director, c kirbs, etc... :) whahaha.. c mama din pala at c ateh...

hayz... diretso kami sa KFC mag anak... kumain kami ng chicken... anu pa bang kakainin dun diba?! hehehe... andun din yung tito ni carlo marfori at c mr. and mrs. viliianueva at sanyatha... si sanatha lang ang kumain... hehehe... kasali din nga pala si sanyatha sa fairylang.. fairy sya dun...

fairylanD?! farewell na talga! mishu...

ISANG SURING BASA (SA MGA KUKO NG LIWANAG)

ISANG SURING BASA

(SA MGA KUKO NG LIWANAG)

KEVIN JOHN S. VENTURA

Ang nobelang Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes ay unang lumabas bilang isang serye sa mga pahina ng Liwayway Magazine. Isinasalaysay nito ang kuwento nina Julio at Ligaya, kapwa galing sa probinsiya. Hindi na binabanggit dito kung aling probinsiya, sapagkat kinakatawan nila ang libong kapuspalad na nakikipagsapalaran sa lungsod, maynila araw-araw.

Si Ligaya ang naunang nagbaka-sakali, kasama ng isang matronang babae, Mrs. Cruz, na nangako sa kanya ng isang simpleng trabaho, na may posibilidad pang makapag-aral at makapagpadala ng kaunting tulong sa iiwanan niyang mga magulang at kapatid. Pagkatapos ng ilang panahon na hindi na nakakapagpadala ng sulat si Ligaya sa kanyang mga magulang at pati na rin kay Julio, na isip ni Julio na sundan ito sa Maynila upang hanapin ito.

Sa paghahanap ni Julio ay naharap siya sa realidad ng buhay sa lungsod. Katulad nga ng ipinahihiwatig ng pamagat ng nobela, maaakit siya ng mga kuko ng liwanag ng mga neon lights ng Kamaynilaan.

Maynilalaman ang pagkakasulat ng Kuko. Ang mga simbolong: Gusali, unti-unting nagagawa mula sa mga sangkap o materyales nito, bakal, graba at semento, na sa bandang huli ay magiging mistulang panginoon pa ng mga kamay at katawang humugis dito. Ang alamat ng esterong walang nagmalasakit na tandaan, na sa kanyang kaitiman ay maaaring nagsisimbolo na rin mismo sa kaibuturan ng lungsod.

Huling-huli ng nobela ang ingay, at kalaswaan ng Maynila. Akmang-akma ang pagsasalarawan nito sa mga lugar, pangyayari, at tauhang mapupuntahan, mararanasan, at makikilala nina Julio at Ligaya. Ibinibigay nito sa mambabasa ang isang napakamakatotohanang buhay sa Lungsod ng mga Pangarap at Kasawian.

Kung babasahin mo ngayon ang nobela, maiisip mong maaari pa ring mangyari ang kuwento ito sa kasalukuyang panahon. Baguhin lang ang mga pangalan ng kalye sa mga kasalukuyang pangalan nito, bigyan mo lang ng cellphone sina Mister Balajadia at Misis Cruz, gawin mo lang mas moderno ang tindahan ni Ah Tek, pasakayin mo lang kahit minsan si Julio sa LRT, atbp. Sa tingin ko pa nga, kung may makakaisip mang gawin muling pelikula ang librong ito, uubra pa rin ito kahit ilagay sa kasalukuyang taon ang pruduksyon nito.

Ngunit lubog man sa man sa dumi at alikabok ang Maynilang isinalalarawan sa nobela, mayroon pa ring liwanag o pag-asang nagpupumilit na umilaw dito. Ang mga nakilala ni Julio ay mabubuting tao, kapos man sila mismo sa materyal na mga bagay at kahit hindi nila halos maitawid ang kanilang mga sarili sa pang-araw-araw nilang pangangailangan ay nagagawa pa rin nilang magbigay ng tulong at kabaitan kay Julio. Sino pa ba naman ang magtutulungan, Ika nga.

Isang mabisa, walang-kupas, at makatotohanang salamin ng lipunan ang nobela. Mabisa, sapagkat hindi nito itinatago ang katotohanan, bagkus ay ipinapakita ito sa mambabasa sa paraang hindi ito maaaring isa-isantabi. Sa makatotohanan nitong pagkakasulat, wala kang magagawa kundi harapin at tanggapin ito.

Malungkot mang isipin, ang kuwento nga ay kuwento ng libo-libong Julio at Ligayang ipinapadpad ng kapalaran mula sa kanilang tahimik ngunit napakahirap na buhay sa probinsiya patungo sa buhay na hindi nila akalain na mas magiging mas mahirap pa.

Makatotohanan ito, sapagkat hindi nito inihihiwalay ang sarili nito sa realidad ng lipunang sinasalamin nito. Tinatalakay dito ang di-makatarungang sitwasyon ng mga manggagawa, ang kaawa-awang kalagayan ng mga maralitang tagalungsod, ang diskriminasyon ng ilang tao, at ang bulok na systema na nag papatakbo dito.

Ngunit higit sa lahat, ipinapakita ang pagkamakatotohanang ito sa katauhan ni Julio at sa kung paano siya kumilos at tumugon sa mga nangyayari sa kanya. Hindi siya walang-kibong biktimang nagpapadala lamang sa kanyang kapalaran. Hindi siya ang taong tama at wasto lamang ang gagawin ano pa man ang mangyari sa kanya. Si Julio ay hindi si Ibarra na iniinda lamang ang mga kasamaang idinudulot sa kanya ng kanyang mga kaaway. Ngunit hindi rin naman siya si Simoun na naniniwalang na kasamaan din ang dapat idulot sa mga kanyang kaaway.

Sa huli, sabi nga ng may-akda, paano mo mamahalin ang isang katulad ni Julio? Ano ang karapat-dapat na redemption niya sa bandang huli? At ano ang kabuluhan at kahulugan ng kanyang kinasapitan?

Maaaring hindi intensyon ng nobela na sagutin ang mga huling tanong na iyan. Maaaring inakala ng may-akda na sapat nang maging salamin ng realidad ang kanyang nobela. Ipinapaubaya niya marahil sa atin ang paghahanap ng mga sagot, ang pagbibigay ng kabuluhan at kahulugan sa nasabing realidad. Hindi man nito tuwirang sinasabi, maaaring inaanyayahan nitong palawakin ng mambabasa ang kanyang kamalayan sa realidad na ito, at, harinawa, kumilos.

Sunday, February 17, 2008

Draft para sa scholarship... (Some unique things about me)

Ano ba ang unique sa akin. Ang unique sa akin eh, nakapag aral ako ng elementary at high school sa isang magandang school. Sa school namin, napaka daming cocorricullar activities na gingawa. Sinasabay ito sa amingng studies. Natutuwa ako sa sarili ko dahil kaya kong ma balance ang oras sa mga activites sa skul at academics. Kahit mahirap ang lessons eh, nasali pa din ako sa mga school activities. Pero lahat ng ito ay dahil sa tulong ni God.

Ako ay isang mymebro ng isang pamilyang nainiwala kay God. Nung bata pa ako, lagi akong tinuturuan ng aking mgaulang na manalangin at mag pasalamat sa lahat ng aking ginagwa. yun daw ang magbibigay ng success sa akin. Lumaki ako na may takot at paniniwala sa panginoon.

Nung bata pa ako, mahilig akong mag baklas at mag ayos ng mga laruan. Mahilig ako sa butingting. Mahilig kaong magbuo ng puzzle at mag gawa ng mga sarili kong likhang mga laruan. Mahilig akong mag imbento ng mga bagay.

Kaya kong matutunan ang isang bagay pero hindi ako gagaling sa bagay na toh.

Gusto ko mag tapos ng engineering at mag tayo ng isang business. Mahilig kasi ako mag negosyo. Mag bebenta ako ng quiz booklet sa room ng 4 pesos pero 3 lang sa cashier… kasi binili ko na para sa kanila…

Mahilig ako sa computer. Nung bata pa ako, mahilig ako manuod sa nanay ko kung paano sya mag computer. Na tutunan ko mag computer sa kakapanuod lagn sa magulang ko.

Goal ko na makatapos ng pag aaral at mabigayan ng mgandang buahy ang maging future family ko. Gusto ko ng masagana pero hindi naman puro luho na buhay.

Kaya kong tumugtog ng mga ibat ibang kalseng instrmento pero di ako magaling… marunong lang ako...

Magaling ako sa analysis at sa pag understand ng lessons. Ako yung lagging nakakgaets ng lessons namin sa skul. Mahilig ako sa math. I love computing tapos pag mahirap pa at mahaba yung tanog, mas gusto ko ng ganun. Challenge

Mahilig ako sa challenge. Pag na chchallenge ako, mas gumagaling ako. Usually competition ang nagbibigay ng lakas sa akin to strive harder.

Sa barkada ko, ako yung nirerespeto nila ng malaki. Di nila ako masyadong niloloko at lagi nila pinapakinggan ang aking opinion. Ako yung usually gumagawa ng final desissyopn. Tahimik lang ako minsan. Nakikitawa lang pero pag tinopak, ako lagi ang naguumoisa ng katatawanana namin. Sa amin, pag alam kong mali na yung gingawa namin, umiiwas ako sa kanila. Di ako sumasa sa mga gulo na ginagawa nila. Usually ako nga tagapamagitan sa mga away. Ako yung lagingnag papangaral sa mga ka berks ko.

Matindi ang aking selfcontrol pag dating sa mga away suntukan etc. hindi ako mabilis mapikon sa mga jokes at mga bintang minsan sa akin. Madalas eh, tumatahimik lang ako.

Ako yung lagi nyong naaasahan sa mga bagay bagay. Responsible ika nga. Ginagawa ko at ngiging responsible ako sa mga pinagagawa sa akin.

Hardworking din ako. Kahit minsan tinatamad na, pinipilit ko pa rin matapos kahit matagalan ako sa pag gagawa.

Pag may ginagawa ako,binibigay ko tlaga yung best na makakakya koh. Kahit minsan yung best ko eh pangit, Masaya pa din ako kasi at least nakagawa ako.

Dahil lumaki ako sa church, marami akong alam na mga words ni God na na shashare ko sa iba.

Matapang ako! Yan! Di ako yung tipng shy type. Wala kasing magagawa yung mga ganun. Lagi ako ang frontliner ng barkada. Ako kasi yung taong kayang humarap sa mga ibaibang tao. Ako lagi yung pinagtatanung nga mga classmate ko sa mga teachers kasi nahihiya daw sila mag tanung ng lessons etc… ako yung pinapadala nila lagi sa stage para mag ssalita, mag pa tula ng panata etc.

Some unique things about me

A very important influence to a person’s life is the way he or she was raised up. I am blessed by God to have been brought up in a God-fearing family. My parents taught me how to pray, how to study the Bible and how to have personal relationship with God. As a family, we always acknowledge the presence of God in our lives and my faith in Him made me who I am now.

Music is part of our family. Most of my relatives are musically inclined persons. I am blessed by God with the ability to play different kinds of musical instruments like guitar, piano/keyboard and drums and interested to learn how to play the violin. What is unique about us is that we are all using our gifts and talents to minister to God and to other people. My father is a good singer and plays the guitar well while my only sister is a soloist and plays drum well. We are part of the worship team of our church.


During my younger years, I loved to assemble things out of small pieces of materials and design them in variety of ways. I am uniquely interested in making different designs from Lego materials which until now are stored for my future kids to play with. Puzzles challenge me and keep my mind working. I also have special interest in working with computers and its technology. I learned about computers at an early age just by watching my mother and my cousin work with computers. This is the reason why I want to finish a career in computer engineering. I am interested to learn more about computer hardware and software technology.


We live in a community where there is a focus on science and technology education because of the presence of the University of the Philippines at Los BaƱos and other international research organizations. I am blessed to be enrolled in a secondary school where Christian education is one of the focus balanced with co curricular activities. Through God’s grace, I am able to cope up with the demands of my academic studies and school activities, firm in peer pressures and a leader in many occasions.


I am learning a lot from the Bible and from other books that is why I always have some insights to share to other people. My friends always ask for my advices and my opinions on different matters.


My goal is to finish my studies, to work in a good company where I could apply my course and to provide an abundant life for my future family. I am also interested to set up a my own business.


With Jesus in our family and in my personal life, I have become a responsible, hardworking, peaceable, committed and self-controlled person. I give my best in everything I do even if my best may not the best for others, all for God’s glory.